-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakitaan na ng potensyal sa larangan ng weightlifting ang pinakaunang Olympic gold medalist ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz noong 10 taong gulang pa lang ito.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Zamboanga City Councilor Elbert Bong Atilano, at director ng Sports Association sa Zamboanga City, sinabi nito na mga atleta rin ang mga pinsan ni Diaz at sila ang nagdala sa kanya sa gym upang mag-ensayo.

Ayon kay Atilano, sobrang determinado si Diaz kung saan nagtrabaho ito sa car wash shop upang may pamasahe papuntang gym.

Noong nagsimula nang maglaro si Diaz sa national at international level, dito na at sinabi ng konsehal na si Diaz na ang hinihintay ng Pilipinas na makapag-uwi ng gintong medalya sa Olympics.