-- Advertisements --
east

Pormal na ring na-turn over kanina kay Olympic gold medalist, Hidilyn Diaz ang regalo sa kanya ng Eastwood City na bagong condominium kasunod nang malaking panalo niya sa Tokyo Olympics ng gold medal makalipas ang halos 100 taon.

Ang 30-anyos na si Diaz ay tinanggap ang katumbas na P14 million fully-furnished two-bedroom condominium unit na nasa 47-storey One Eastwood Avenue mula sa business tycoon na si Dr. Andrew Tan ng property giant na Megaworld.

Sinasabing ang unit ay espesyal daw na dinisenyo ng in-house interior design team na kompleto na sa mga furniture, appliances at iba pa.

Ayon sa kompaniya, wala na raw ibang dadalhin si Hidilyn kundi ang kanyang mga damit lamang at pamilya dahil kompleto na ang condo.

east 3

Ang lugar ni Hidilyn ay tinitirhan din ng ilang mga celebrities.

Bilang bagong may-ari ng condo unit, si Hidilyn at ang kanyang pamilya ay pwede na ring mag-enjoy ng first-class amenities kasama na ang badminton court sa roofdeck, landscaped gardens, swimming pool, bar at indoor and outdoor lounge, mga, fitness centers, skygardens at iba pa.

Kung maalala matapos ang golden performance ni Hidilyn sa weightlifting ay tinatayang mahigit sa P35 million cash ang kanyang matatanggap, meron pang brand new car, house and lot, libre sa eroplano at marami pang incentives.