-- Advertisements --

Inaasahang mapupunta kay Pinay Olympian Hidilyn Diaz ang prestihiyosong Athlete of the Year award na igagawad ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa susunod na buwan.

Ang PSA ang itinuturing na oldest sports media organization sa bansa.

Ang grand celebration sa traditional Annual Awards Night ay bilang pagbibigay pugay sa mga atleta na nagbigay ng karangalan sa bansa sa kabila ng dinaranas na krisis sa pandemya.

Kung maalala halos 100 taon din bago nasungkit ng Pilipinas ang unang gold medal sa Olimpiyada.

Ang iba pang mga atleta na bibigyan din nang pagkilala ay sina four-weight boxing champion Nonito Donaire Jr., US Women’s Open champion Yuka Saso, world gymnastics champion Carlos Yulo, Tokyo Olympic silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam, gayundin ang Olympic bronze medalist Eumir Marcial, US Open champion Carlo Biado at si tennis grand slam winner Alex Eala.