-- Advertisements --

Inamin ng “Golden Girl of Phillippine sports” na si Hidilyn Diaz na nakahanda na rin siyang mag-asawa.

hidilyn diaz naranjo coach

Ito ay makaraang matanong sa isyu sa lovelife sa kanyang conditioning coach ang Filipino Japanese na si Julius Naranjo.

Pero sa ngayon aniya ay nakadepende pa rin sa kanyang coach at inaantay lamang daw niya ito.

Ibinulgar din nito na sa ngayon napi-pressure na rin daw ang kanyang coach-boyfriend sa naturang usapin.

Nakiusap na lamang siya sa mga fans na antayin na lamang ang kanyang boyfriend kung ready na ito na siya ay aalukin na magpakasal.

Gayunman sa edad daw niya ngayon na 30-anyos ay hindi naman siya nanghihiyang kung hindi pa nag-aasawa dahil masaya naman siya sa kanyang buhay.

Mahigit na ring tatlong taon sila sa kanilang relasyon ng kanyang boyfriend.