Labis ang pasasalamat ni Pinay weightlifting champion Hidilyn Diaz sa kaniyang kasamahan na naging susi sa tagumpay nito para makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Tokyo Olympics.
Kinibibilangan ito ng kaniyang coach na si Jeaneth Aro bilang nutritionist, sports psychologist Dr. Karen Trinidad; weightlifting coach Kaiwen Gao at strenght and conditioning coach Julius Naranjo na kaniyang nobyo.
Sinabi nito na hindi siya makaka-survive sa pandemic kung wala ang mga taong nasa likod ng kaniyang tagumpay.
Hindi aniya nito makakaya na mag-isa kaya mahalaga aniya ang tulong nila.
Nagsimulang magsanay si Diaz sa ilalim ng Chinese na si Gao bago ang tagumpay nito sa 2018 Asian Games sa Jakarta.
Si Gao ay siyang head coach ng mga babaeng National Army team ng China mula pa noong 1980.
Sinanay niya ang dalawang Olympic gold medalists na sina Zhou Lulu noong 2012 at Chen Xiexia noong 2008.
Nakilala naman nito si Filipino-Japanese weightlifter Julius Naranjo sa international tournament sa Ashgabat, Turkmenistan noong 2017.
Humanga ito sa galing ni Hidilyn kaya nagkainterest itong isanay siya.