-- Advertisements --

Babalik na sa pagsasanay sa Kuala Lumpur si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa susunod na buwan.

Ito ay bilang bahagi ng kanilang pagsabak sa World Championships sa Peru sa buwan ng Nobyembre.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella na bukod sa Peru ay paghahandaan din ni Diaz ang pagsali sa SEA Games sa Hanoi, Vietnam na gaganapin sa susunod na taon.

Pagkatapos aniya ng mga nasabing torneyo ay dito na siya magdedesisyon kung sasabak muli siya sa 2024 Paris Olympics.