-- Advertisements --

Sinimulan na ni Hidilyn Diaz ang paghahanda sa world championship na gaganapin sa Tashkent, Uzbekistan mula Disyembre 7-17, 2021.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng Olympic weightlifter gold medalist na ito ay nasa Malaysia.

Ito rin ang lugar aniya kung saan siya naghanda noong Tokyo Olympics.

Magugunitang noong Hulyo 26 nang gumawa ng kasaysayan ang 30-anyos na si Diaz nang matagumpay nitong nabuhat ang 224 kilograms sa women’s 55 kilograms division.

Ang naabot ni Hidilyn na medalyang ginto ay hindi nakamit ng Pilipinas sa halos 100 taon na paglahok sa Olimpiyada.