CENTRAL MINDANAO-Inatasan ni Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-Guzman si Municipal Peace and Order Czar at VM Herlo P. Guzman, Jr. na alamin at mamagitan sa mga kapatid na Bangsamoro.
Sa tulong ni Municipal Muslim Coordinator Abduladziz Macalipat ay naayos ng tanggapan ni VM Herlo ang sigalot ng dalawang pamilya.
Ayon sa bise alkalde, ang pagseserbisyo ng pamahalaan ay walang pinapanigan at dapat maging patas sa lahat ng denominasyon na kanyang nasasakupan.
Dagdag pa nito, ayaw nitong dumating sa mas malalim na hidwaan ang hindi maaayos na pagkakaintindihan.
Nabatid na matapos mapakinggan ang panig ng dalawang pamilya, at nagkaroon ng maayos na pagkakasunduan kaugnay sa hidwaan sa usapin ng lupa, hinikayat ni VM Herlo na idaan ang lahat sa maayos na usapan.
Tiniyak din ng bise alkalde na buo ang suporta ni Mayor Gelyn sa ano mang posibleng maitulong ng pamahalaan upang magtuloy-tuloy ang kapayapaan at maiwasan ang gulo.