LAOAG CITY – Mas lalo pang uminit ang hidwaan ng magtiyuhin na si 1st District Congressman Sandro Marcos at ang tiyuhin nitong si Mayor Michael Marcos Keon dito sa lungsod ng Laoag.
Ito ay matapos pinabulaanan ng Alkalde ang akusasyon ni Cong. Marcos na may hinihinalang overprice sa gagawing
alternate road papunta sa gingawang mall dito sa Lungsod ng Laoag.
Ayon sa Alkalde, walang anomalya o over priced sa pinaplanong gawing kalsada dahil may mga pribadong lote na dapat bilhin at may gagawing dike, mayroon ding ipapatayong solar lights, underpass, at papalawakin pa ang tributary roads.
Aniya, proposal pa lamang ito at nakausap na raw niya si Cong. Sandro noong Pebrero ngayong taon sa pagpupulong ng lahat ng mga alkalde sa unang distrito, kaya nagtataka siya kung bakit walong buwan na ang nakakalipas at ngayon lang niya kinuwestiyon ito.
Binigyang diin pa niya na hindi niya iko-corrupt ang pondo dahil kung ito ay maa-aprubahan, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at 1st District Office ang hahawak ng pondo.
Kamakailan lang ay isiniwalat ni Congressman Sandro Marcos ni hindi ang tiyuhin niya ang susuportahan ng pamilya marcos dahil sa pagkadismaya umano ang pamilya Marcos sa pondong hinihiling ng Alkalde na limang daang milyong piso bilang parte ng gobyerno sa gagawin kalsada na patungo sa ginagawang mall.
Ang kalsada ay tinatayang nanganngailangan 1 bilyong piso na pondo na paghahatian sana ng mall at gobyerno pero noong pinaestimate umano ni Cong. Marcos sa DPWH ay tinatayang 30 milyon lang ang kailangan na pondo para sa naturang kalsada.
Kaugnay nito, ito na ang pangalawang beses na hindi si Mayor Keon na pinsang-buo ni Pres. Bong Bong Marcos at Sen Imee Marcos ang susuportahan sa pagtakbo niya bilang Mayor ng Lungsod.