Kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa China na idinulog na sa bilateral consultative mechanism (BCM) ang mga isyu ng pagpapalibot ng Chinese vessels sa Pag-asa Island at pagkuha ng mga Chinese ng giant clams sa Panatag Shoal.
Pero inamin ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana na walang malinaw na resolusyon at kapwa nanindigan ang Pilipinas at China sa magkaibang posisyon.
Ayon kay Sta. Romana, nagkasundo lamang ang magkabilang partido na idaan ang hidwaan sa diplomatic negotiations para maiwasang humantong sa krisis ang isyu.
Tiniyak naman ni Sta. Romana na hindi magiging hadlang sa pag-usad ng kooperasyon ng Pilipinas at China ang nasabing tensyon sa territorial dispute.
“And so the issue for example of the Pag-asa, you know, Scarborough Shoal, Panatag Shoal, the issue of the giant clams, the swarming, this was discussed extensively during the last BCM,” ani Sta. Romana.
“And although it was a very contentious issue, there were differences of views, we have different positions on the Chinese. Both sides agreed to resolve this issue through diplomatic negotiations.”