-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Inihayag ni Eric Gallego, Regional Information Officer ng Department of Environment and Natural Resources ( DENR-Caraga) na bibigyang pansin ang napadpad na malaking pawikan sa baybayin ng Barangay Sacol, bayan ng Buenavista, Agusan Del Norte.
Apela pa sa opisyal, hindi lamang hahawakan ang nasabing pawikan dahil posibleng mangingitlog itoi sa nasabing lugar at hahayaan na lamang ito kung babalik sa dagat.
Una nang ipinaabot sa Bombo Radyo sa nagngangalang Michael na mayroon silang namataang pawikan na kasing-laki ng bilao.
Gumapang ito sa babayin ngunit nang ito ay nilapitan ng tao, bumabalik sa dagat.
Nagbalik na umano ang nasabing pawikan sa lugar matapos itong namataan.