Wala pa ring humpay ang malawakang kilos protesta sa Hong Kong dahil nakaamba na naman ang matinding demonstrasyon ngayong Sabado at maaring hanggang Lunes pa.
Target umano ngayong araw na isagawa ang protest march sa isa sa pinakasentro ng maraming popolasyon sa buong mundo, ang Mong Kok.
Sinasabing pinayagan naman ng mga otoridad na isagawa nitong hapon ang pagtitipon sa isa sa “pinaka-crowded places.”
Ito na ang ika-siyam na sunod na weekend na magkakaroon na naman ng rally sa Hong Kong na unang nagsimula dahil sa kontrobersiyal na extradition bill.
Sasabayan din ang naturang rally ng mga supporters naman ng mga pulis na gagawin sa Causeway Bay na may tema na “Give Peace a Chance.”
Sa ngayon nasa 50 mga protesters na ang inaresto mula noong nakaraang Linggo na nauwi sa pagpapakawala ng teargas ng mga otoridad.
Bukas inaasahan muli ang kilos protesta na gagawin naman sa western side ng Hong Kong Island at isa pa sa Tseung Kwan O sa eastern tip ng New Territories.
Sa Lunes naman ay balak ng mga nagpoprotesta na paralisahin ang train system.