-- Advertisements --

ILOILO CITY- Isang vintage bomb ang natagpuan sa Brgy. Tuy-an East, Maasin, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PMajor Reymund Celoso,hepe ng Maasin PNP, sinabi nito na nakita ng mga construction workers ang 60mm high explosive na mortar bomb na natabunan ng buhangin na ginagamit sa pagpapasemento ng ginagawang kalsada sa lugar.

Ayon kay kay Celoso, base sa assessment ng Provincial Explosive and K9 Unit ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), maaari pang sumabog ang nasabing vintage bomb.

Sa ngayon, nasa pag-iingat na ng nasabing unit ng PNP ang nasabing explosibo.