-- Advertisements --

speaker

Naniniwala si Speaker Martin Romualdez na lilikha ng maraming opportunities para sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa pagitan ng mga legislative body ng Pilipinas at China ang naganap na high level meeting ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng tagapangulo ng National People’s Congress ng China na si Li Zhanshu.

Ipinunto ni Speaker na ang pagpupulong ng Pangulo sa Chinese National Peoples Congress Chairman ay isang magandang unang hakbang sa pagbuo ng isang positibong relasyon hindi lamang sa legislative body ng China, kundi pati na rin sa mga lider at gumagawa ng patakaran ng bansa.

Dagdag pa ni Speaker ngayong nagsimula ng magbukas ang Tsina, inaasahan nilang makita ang ilang pakikipag-ugnayan na ito at ang mga gagawing pagpapalitan sa pagitan ng Kongreso ng Tsina at ng Kongreso at Senado ng Pilipinas ay magbubunga ng magandang resulta ngayon taong 2023.

Sinabi ni Romualdez na anumang kabutihang loob na natamo ng Pangulo sa nasabing pakikipagpulong sa mataas na opisyal ng gobyerno ng China ay dapat palalimin at palakasin ang relasyon ng dalawang bansa sa lahat ng aspeto.

Positibo si Romualdez na makakatulong ito sa mga darating na buwan, lalo na sa oras na ang mga bansa ay natututo kung paano lumipat sa isang post-pandemic na setting.

Binigyang-diin din ni Romualdez ang kahalagahan ng naturang mataas na antas na pagpupulong.

Nasa China ngayon si Pangulong Marcos Jr. para sa kaniyang 3 day state visit. SinSpeaker ay bahagi ng delegasyon ng Pangulo sa China habang sinusubukan ng Punong Ehekutibo na palawakin ang bilateral na kooperasyon sa maraming larangan, tulad ng agrikultura, enerhiya, imprastraktura, agham at teknolohiya, kalakalan at pamumuhunan, at pagpapalitan ng kultura.