-- Advertisements --

USstripoli

Bibida ngayong ika-anim na iteration ng Joint PH-US Kamandag Exercise 2022 ang ilan sa mga bagong kagamitan ng Amerika sa dalawang linggong military exercises na gaganapin sa ilang bahagi sa Luzon at Palawan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Philippine Marine Corps Spokesperson Major Emery Torre, ongoing na sa ngayon ang ibat ibang aktibidad na nakatutok sa amphibious operations, amphibious raids and rescue operation, humanitarian activities at ang live fire exercise at lecture kaugnay sa special operations.

Sinabi ni Torre nasa halos 4,000 ang participants mula sa US Marines at Phil Marines kasama na rin dito ang mga observers mula sa bansang Japan at Korea.

Sabi ni Major Torre ang pagkakaiba ng Kamandag Exercise 2022 ay isa itong full blown exercise ibig sabihin face to face na ito at wala ng virtual activities.

Binigyang-diin ng opisyal, malaking bagay para sa mga sundalong Marines ang kanilang matututunan sa kanilang mga counterpart.

Samantala magpapakitang gilas sa gagawing live fire exercise ang High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) ng Amerika na sinabi ni Major Torre na magkakaroon na ng ideya ang mga sundalo hinggil sa paggamit nito.

Inamin ni Torre na nasa pipeline na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization program ang procurement ng Himars.

Ang Himars ang isa sa mga weapon system na binigay ng US sa Ukraine simula ng sumiklab ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

f35

Sa kabilang dako, dumating na rin sa bansa ang F-35 aircraft ng US Navy na kalahok din sa Kamandag 2022.

Iniulat na ang USS Tripoli, na isang amphibious assault ship ng United States Navy, ay dumaong sa Port Area ng Manila nitong Martes para sa isang port visit.

Ayon sa US Navy ang USS Tripoli Amphibious Ready Group ay nag-operate sa South China Sea upang mapahusay ang interoperatbility nito.

Habang nakadaong sa Manila port, ipinakita sa flight deck ng USS Tripoli ang ilang unit ng mga Lockheed Martin F-35 Lightning II, na itinuturing bilang fifth generation na stealth multi-role combat aircraft na kung saan ay nakatalaga sa Marine Fighter Attack Squadron 121 ng US Marine Corps.

Ayon sa US Navy ilan sa mga aircraft na ito ay nakompleto ang kanilang maintenance sakay ng USS Tripoli habang ang nasabing barkong pandigma ay nagpapatrolya sa Philippine Sea.

” In the Philippine Marine Corps, we are operationalizing our coastal defense regiment o capability and we that we are in the pipeline the HIMARS mobility rocket systems na magkakaroon tayo soon and we that the HIMARS of our US counterparts will be used during the live fire exercise, papuputukin yung HIMARS nila na first time na mangyari,” pahayag ni Maj. Torre.