CENTRAL MINDANAO – Naaresto ang dalawa ka tao na nagtatago ng matataas na uri ng armas sa probinsya ng Maguindanao.
Nakilala ang mga suspek na sina Ibrahim Usman Piang, 31, at Eddie Usman Piang, 20, mga residente ng Brgy Polloc, Parang, Maguindanao.
Ayon kay Parang chief of police, Lt. Col. Ibrahim Jambiran na nagpatupad sila ng search warrant operation laban sa grupo ni Porok Ragundo na may kasong frustrated murder.
Bago pa man makarating ang mga otoridad sa bahay na kanilang target ay pinaputukan na sila ng mga suspek.
Tumagal ng isang minuto ang palitan ng putok sa magkabilang panig at agad namang nahuli ang mga suspek habang nakatakas ang mga kasamahan nito.
Narekober ng raiding team sa lugar kung saan nagtatago ang mga suspek ang isang homemade sniper rifle (Barett) caliber 7.62, isang M16 armalite rifle, isang granada, mga magazine at mga bala.
Ang mga suspek ay nakapiit na ngayon sa Costudial Facility ng Parang PNP at nakatakdang sampahan ng kaso habang patuloy na pinaghanap ang kanilang mga kasamahan.