KORONADAL CITY – Isinapubliko ng military ang mga high powered firearms at 150 na IED’s kasabay ng ika-52 taon na anibersaryo ng CPP-NPA.
Ito ang kinumpirma ni Maj.Ferdinand Mopal ang tagapagsalita ng 102nd Brigade sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Mopal, ito ay kinabibilangan ng 135 na matataas na kalibre ng baril, isang converted cal.50 na ginawang sniper rifle ng mga sumukong rebeldeng, ibat-ibang parte ng Improvised explosive Device (IED) at isang drum ng IED.
Ang pagsuko ng mbgarebelde ay palatandaan ng kanilang pagtalikod sa maling paniniwala ng grupo.
Maliban dito, nasa 185 na mga Former Rebels (FR) naman ang bumalik sa panig ng gobyerno at ngayon ay nasa ilalim ng decomissioning process sa ilalim ng E.O number 70 o mas kilala bilang Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC).
Dagdag pa ng opisyal, karamihan sa bayan ng North Cotabato ang nagdeklara na ng persona non grata laban sa mga Miyembro ng CPP-NPA sa kanilang nasasakupan