-- Advertisements --

CEBU CITY – Tinambangan ang isang high profile lawyer dito sa Cebu sa labas mismo ng Cebu City Hall of Justice sa Qimonda Building sa North Reclamation Area, lungsod ng Cebu.

Kinilala ang biktima na si Atty. Inocencio Dela Cerna na may hawak na mabibigat at kontrobersyal na kaso sa Cebu.

Sa panayam ng Bombo News Team kay Police Senior Inspector Adolfo Abregana, Jr., ang Chief of Operations ng Port police ng Cebu Port Authority, isinalaysay nito na una nang binaril ang nasabing abogado nang papalabas na ito sa korte ngunit dali itong naka-maneuver sa kanyang sasakyan.

Ayon kay Abregana, agad dumiretso si Atty. Dela Cerna sa Waterfront Police Station, ang pinakamalapit na police station sa korte pero sinundan pa ito ng mga gunman na lulan ng motorsiklo.

Mabilis din namang nakaalis ang mga assailant nang nag-return fire na ang abogado.

Suwerte namang nakaligtas ang abogado at tanging sugat lang sa balikat ang natamo nito.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng pulisya at National Bureau of Investigation-7 ang insidente at posible rin diumanong magkaroon ng joint investigation.