GENERAL SANTAOS CITY – Dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group – New People’s Army (CTG – NPA), isa rito ay isang high ranking official ang napatay sa operasyon ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa President Roxas, North Cotabato.
Kinilala ang mga nasawi na sina Buenaventura Dawal alias Atan, isang miyembro ng Executive Committee of the Southern Mindanao Regional Committee at isang alias Alambo habang nakatakas ang isa pang rebelde na nakilala na si Patrick Nadong alias Chris, dating political instructor.
Ayon kay Ltc. Dingdong B. Atilano, Acting Chief ng Public Affairs Office, 6 Infantry Division Philippine Army na nagsagawa ang tauhan ng 90th Infantry (BIGKIS LAHI) Battalion sa ilalim ng 602nd Brigade ng 6th Infantry Division; 72IB, Cotabato Police at President Roxas municipal police ng operasyon sa hideout sa mga suspects na sinundan ng pagsisilbi ng Warrants of Arrest sa kasong murder sa Sitio Marinangao, Brgy. Sarayan nitong Lunes ng umaga.
Nagpaputok ang mga suspek sa raiding at arresting team nang isilbi ang warrants na nagresulta sa palitan ng putok at pagkamatay ng dalawang suspects at pagkasugat naman ng isang di kilalang armadong lalaki na hinihinalang miyembro ng Communist Terrorist Group.
Narekober ang ibat-ibang uri ng baril at iba pang war materials gaya ng Elisco M16 Rifle, M1 Carbine Rifle, Norinco Cal. 45 Pistol, dalawang IEDs, mga subersibong dokumento at ilang mga gamit.