-- Advertisements --

Boluntaryong sumuko sa mga tauhan ng Philippine Army 2nd Infantry Division ang secretary general ng Karapatan-Quezon.

Ibinunyag ng sumukong top-ranking NPA leader ang umano’y mga ginagawang propaganda tactics ng Communist legal fronts.

Kinilala ni 2nd ID acting commander B/Gen. Rommel Tello ang sumukong high ranking NPA leader noong Lunes, April 5, 2021 na si Genelyn Dichoso.

Sumuko si Dichoso sa tulong ng local government at ng Barangay 10 Poblacion, bayan ng Catanauan.

Sinabi ni Tello ang Karapatan Quezon ay isa sa mga legal fronts na binuo ng CPP-NDF para magpakalat ng maling impormasyon at linlangin ang mga tao para magalit ang mga ito sa gobyerno.

Pinasinungalingan naman ng militar ang alegasyon ng Karapatan Timog Katagalugan na inaresto nila si Dichoso dahil hina-harass umano ito ng mga sundalo.

“Your lies are now being revealed by those among you who have come to their senses, as such, your Philippine Army will never falter until all your deceptive tactics will be completely exposed to the people,” pahayag pa ni Gen. Tello.

Ayon sa heneral, napagtanto na ni Dichoso na mali ang kaniyang ginagawa dahilan para magdesisyon itong magbalik loob sa gobyerno.

“The surrender further solidifies the CPP-NPA’s irrevocable defeat considering that not only its ordinary fighters are disillusioned but there are also indications of discontent among their top leaders,” dagdag pa ni Tello.

Nagpasalamat naman si Tello sa NTF-ELCAC’s na dahil sa nasabing programa marami ang naeenganyong mga dating rebelde na magbalik loob sa gobyerno.

Si Dichoso ay sasailalim sa reintegration process, medical check-up, debriefing.

Siniguro naman ng Army ang kaligtasan ng sumukong NPA leader.

“Let it be realized that your government is always there to serve and protect its people from the harms of terrorism, no more no less,” wika pa ni Gen. Tello.