Nagpatupad ng Special Orders si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng reshuffling para sa matataas na opisyal ng DA.
Na-demote bilang member of the Secretary’s Technical Advisory Group Leocadio Sebastian, mula sa dating posisyon na officer-in-charge ng Office of the Undersecretary for Rice Industry Development, ayon sa Special Order number 1.
Habang ipinalit naman ng DA secretary sa naturang pwesto si under secretary Roger Navarro.
Si Navarro din ang itinalaga para mamahala sa ilang pangunahing departamento ng ahensya, gaya ng Office of the National Project Director, Philippine Rural Development Project at Office of the Assistant Secretary for Operations, base sa SO 3.
Inapoint naman si U-Nichols Manalo bilang National Rice Program director mula sa dating posisyon na OIC-Director ng Field Operations Service and National Corn Program, ayon sa SO 2.
Itinalaga si Usec. for fisheries Drusila Esther Bayate bilang undersecretary for policy, planning and regulations na dating hawak ni Usec. Mercedita Sombilla, alinsunod sa SO 4.
Habang iniatas naman kay Sombilla ang posisyon na undersecretary ng DA bureaus, base sa SO 5.
Pinaupo naman si Telma Tolentino bilang undersecretary for finance, kapalit ni Undersecretary Agnes Catherine Miranda.
Nilagdaan na rin ni Laurel Jr. ang SO 1360 na nagtatalaga kay Alvin John Balagbag bilang head executive assistant and chief of staff, bilang kapalit ni Agriculture Assistant Secretary Rex Estoperez kasunod ng pagreretiro nito.
Samantala, bago pa man ang reshuffling process, inappoint na si Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra bilang head ng Consumer Affairs, na dating posisyon ni DA Asec. Kristine Evangelista.
Una nang sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na nilalayon ng revamping na mas maging maayos ang pamamahala at mga operasyon ng ahensya.