Inactivate na ang “high-risk” Emergency Preparedness and Response (EPR) protocol sa 4 na rehiyon sa bansa dahil sa inaasahang pag-landfall ng Tropical depression Aghon sa Eastern Samar.
Ayon kay OCD Spokesperson Director Edgar Posadas, nakataas ang naturang protocol para sa emergency reponse organizations sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Bicol Region at Eastern Visayas Region.
kabilang din sa high-risk protocol ang pag-activate sa emergency operations centers sa red alert, pagrekomenda ng suspensiyon ng klase at trabaho, pagpapatupad ng preemptive at forced evacuations.
Maliban dito, inatasan na ang concerned agencies na magsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) Analyst group Meetings para matukoy ang pangangailangan ng bawat rehiyon depende sa kanilang protocols.
Magpupulong naman ang response clusters para matukoy ang kahandaan at matukoy ang partikular na pangangailangan ng bawat opisina.
Pinakilos na rin ang Camp Coordination at Camp Management teams para sa posibleng pre-emptive evacuations.