-- Advertisements --

Inaasahan na mabebenta ng ilang milyon sa isang auction ang high school jersey ni NBA star LeBron James.

Ang St. Vincent- St. Mary’s High School jersey ay suot ni James sa hindi malilimutang Sports Illustrated front cover shoots.

Sinabi ni Kody Frederick, auction marketing director ng Julien’s Auction, na ang jersey ay isang bahagi na ng kuwento sa buhay ni James.

Ito rin aniya ang nagbukas sa pagsisimula ni James bago tuluyang maging sikat na basketbolista sa NBA.

Sa tantiya niya na maibebenta nila ito ng hindi bababa sa $2-milyon.

Magsisimula ang bidding ng nasabing damit sa Setyembre 28.