-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Pinaglalamayan na ngayon ang isang binatilyo matapos itong magbigti sa bahagi ng Barangay 91, Marasbaras, Tacloban City.
Ang naturang biktima ay isang high school student, 18, at nakatira sa naturang lugar.
Ayon kay Capt Marjorie Manuta ng Tacloban City Police Office (TCPO), nakita na lang ang biktima ng kaniyang tatay na nakabitin ito sa kaniyang kwarto gamit ang isang yellow nylon.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, problema sa eskwelahan ang tinitingnan dahilan ng pagpapakamatay ng naturang high school student.