Isinasapinal na ng Atlanta Hawks ang trade package na kinabibilangan ng kanilang high scoring guard, Dejounte Murray.
Batay sa inisyal na report sa NBA, mapupunta si Murray sa New Orleans Pelicans at ipapalit sa kaniya sina Larry Nance Jr., at Dyson Daniels. Kasama rin dito ang isang 2025 first-round pick at isang 2027 first-round pick.
Ito ang unang move na gagawin ng Hawks ngayong offseason matapos itong mabigo na umusad sa nakalipas na playoffs.
Ang 27 anyos na si Murray ay may career average na 22.5 points at 6.4 asissts per game. Naitala niya ito ngayong season.
Sa loob ng pitong taon na kanyang karera, nagawa niya ang 15.4 points per game kung saan ginugol niya ang unang limang taon sa San Antonio Spurs.
Bagamat naging maganda ang tandem nina Murray at Hawks star Trae Young, hindi nagawa ng dalawa na dalhin ang kanilang koponan sa Playoffs.
Natapos ang regular season ng Hawks sa 36-46 win-loss record, pangsampu sa Eastern Conference.