TACLOBAN CITY – Sa kulungan ang bagsak ngayon ng isang high value individual mula sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. 110, Utap, Tacloban City.
Kinilala ang suspek na si alyas Dave, 32 taong gulang at residente ng Brgy. Cabulihan, Ormoc City at temporaryong nakatira sa Brgy. 110 Zone 2 Utap, siyudad ng Tacloban.
Ayon kay Pol. Maj. Daniel Polo, station commander han Abucay Police Station 2, nakuha mula sa suspek ang anim na sachet ng pinaniniwalaang shabu na may estimated market value na aabot sa P380,500, drug paraphernalia at P500.
Dagdag pa ni Polo na matagal na nilang minaman manan ang suspek na palaging bumibisita nang Tacloban para sa kaniyang Iligal na transaksyon.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga kapulisan ang mga suspek at nahaharap sa ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.