ILOILO CITY – Ibinunyag ng isang high value individual na durugista na sa loob ng New Bilibid Prison ang source ng iligal na droga na binebenta nito sa ilang bahagi ng Iloilo.
Ang nasabing durugista ay si Jypsy Almores, 19, residente ng Barangay Bakhaw, Mandurriao, Iloilo City.
Nakuha sa kaniya ang tinatayang 55 grams ng shabu na may standard drug price na P374, 000.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Captain Roque Gemino, team leader ng Iloilo City Drug Enforcement Unit, sinabi nito na inamin mismo ng subject na ang droga ang kinkuha niya sa koneksyon ni Alyas Toto sa loob ng national penitentiary na kilala rin ng kanyang ama na si Danilo Almores na ngayong nakapi-it rin sa Bureau of Jail Management and Penology.
Si Danilo ang una nang nakuhanan ng P 476, 000 na halaga ng droga noong nakaraang buwan ng Abril.
Bago nahuli noong Abril, si Danilo ang una nang nabilanggo sa New Bilibid Prison dahil parin sa pagbebenta ng iligal na droga.