-- Advertisements --
Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa naarestong drug suspek sa Barangayo Pio Del Pilar, Makati City.
Sinabi ni Makati police chief Col. Rogelio Simon, itinuturing nila ang 46-anyos na suspek bilang high value target na siyang konektado sa iba pang local group sa bansa.
Nakuha sa isinagawang drug buy bust operations ang umaabot sa 45 pakete na naglalamang ng pinaghihinalaang shabu.
Inaalam pa ng kapulisan ang ilang mga kasamahan ng suspek na nag-o-operate pa rin sa lugar.