-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nalambat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) ang isang drug dealer sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si Arsad Gunda Salik alyas Tatak,31 anyos,may asawa at residente ng Barangay Tulunan Datu Anggal Midtimbang Maguindanao.

Ayon sa ulat ng PDEA-BAR na nagsagawa sila ng drug buybust operation sa Barangay Poblacion 2 Dalican Datu Odin Sinsuat Maguindanao katuwang ang DOS PNP,2nd Mechanized 22nd Company sa pangunguna ni 2LT Jomer Ramer (CAV) at 6MIB .

Nang akma nang i-abot ng suspek ang shabu sa PDEA Agent ay doon na sya hinuli.

Nakuha sa suspek ang 50 grams ng shabu na nagkakahalaga ng 340,000.00 pesos (1) unit 1911 Colt caliber .45 pistol, (1) pc magazine assembly na loaded ng 10 live ammunitions, at isa pang (1) pc magazine assembly loaded ng 7 bala.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng PDEA-BAR at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10591 o illegal possession of firearms.