-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pumanaw ng tuluyan ang suspected high value target personality nang magtamo ng limang tama ng bala sa katawan nang makipag-barilan sa mga personahe ng Philippine Drug Enforcement Agency 10 sa Upper Balulang,Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos nauwi sa habulan at barilan ang ikinasa na anti-drug buy bust operation laban sa suspek na si Virgil Navarsa ng makatunog na mga otoridad ang naka-transaction nito kaya mabilis na pinatakbo ang sinakyan nitong pribadong sasakyan.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PDEA 10 regional director Emerson Rosales na ayaw magpa-aresto ng suspek kaya hinabol nila at pinagbabaril ang kanyang tropa kaya napilitan gumanti hanggang na-corner nila ito dahil sa limang tama ng bala sa katawan.

Inihayag ni Rosales na agad pa dinala ng kanyang mga tauhan sa city govt hospital ang suspek subalit hindi na nito nakayanan ang mga sugat at tuluyang pumanaw.

Samantala, naaresto rin ang umano’y parokyano ng suspek na si Mark Granada na nakasakay sa ibang sasakyan at iimbestigahan ito ng PDEA kung anong grupo napabilang sila at gaano kalawak ang kanilang drugs distribution.

Narekober sa crime scene ang nasa 20 gramo ng suspected shabu na tinatayang nasa P136,000.00 street value,45 na baril ni Narvassa at ang dalawang pribadong sasakyan na ginamit sa kasagsagan ng transaksyon.