Muling nakatanggap ang Bureau of Customs ng unmodified opinion para sa kanilang Financial Statements sa dalawang magkasunod na taon.
Ayon sa ahensya, ang naturang unmodified opinion evaluation ay inisyu ng Commission on Audit sa kanilang 2023 financial report.
Dahil dito ay binigyang diin ng ahensya ang pangako nito sa transparency at financial accountability.
Ang unmodified opinion mula sa COA , ang pinakamataas na audit evaluation na ipinagkaloob ng komisyon.
Ito ay nagpapahiwatig na ang mga financial statements ay inihanda ng maaayos alinsunod sa International Public Sector Accounting Standards.
Sumasalamin rin aniya ito sa proactive na hakbang ng ahensya sa pagpapalakas ng mga sistema ng pananalapi nito, pagpapahusay ng mga panloob na kontrol, at pagtataguyod ng kultura ng transparency at accountability.
Nananatili rin aniyang determinado ang ahensya na mapanatili ang parehong antas ng kanilang pangako na pagkakaroon ng transparency at accountable financial report.