-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakapagtala ngayon ang Caraga Region ng ‘highest COVID-19 related death’ na umabot sa walo habang pinakamaramiang mga bagong kaso namanngayong buwan na umabot naman sa 292 kungsaan ang 288 nito ay naka-isolate pa habang 147naman ang mga bagong nakarekober.

Pinakamarami ang naitalang bagong kaso ngayon sa Surigao del Sur na umabot sa 109 na sinundan ng 56 sa Bislig City; Agusan del Norte-40; Agusan del Sur-37; Cabadbaran City-26; Butuan City-13; Tandag City-8; tatlo sa Bayugan City; tigdadalawa sa Surigao City at Dinagat Island province at isa sa Surigao del Norte.

Dahil dito’y umabot na sa 16,300 ang cumulative COVID-19 cases nitong rehiyon kungsaan 3,315 ang naka-isolate habang 12;496 na ang nakarekober at umabot na sa 489 ang kabuu-ang patay.