Nakapagtala na naman ang Pilipinas ng bagong record high pagdating sa daily cases ng mga nahahawa sa COVID-19.
Iniulat ngayon ng Department of Health (DOH) na nakapag-record sila ng 22,415 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Ito na ang ikaapat na araw na sunod-sunod na mahigit sa 20,000 ang naitatala sa Pilipinas na mga bagong kaso.
Dahil dito ang kabuuang mga COVID cases sa bansa mula noong nakalipas na taon ay umabot na sa 2,103,331.
Lalo na namang dumami pa ang mga aktibong din o paste na nasa 159,633.
Marami rin naman ang mga bagong gumaling na umaabot sa 20,109.
Kaugnay nito, ang mga nakarekober na sa Pilipinas ay nasa 1,909,361.
Samantala, ang mga bagong nasawi bunsod ng deadly virus ay nas 101.
Ang death toll ngayon sa bansa ay nasa 34,337 na.
Habang mayroong walong mga laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 2.3% sa lahat ng samples na naitest at 2.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” ani DOH sa advisory.
Ang naturang record breaking number of cases sa loob ng isang araw ay matapos na mag-anunsyo ang Malacanang na mas luluwagan na ang Metro Manila patungo sa GCQ simula sa Miyerkules, September 8.
Ito ay sa kabila na babala ng DOH na sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang g mga kaso ng COVID-19.
Kaya namin paulit-ulit ang paalala ng DOH sa publiko na sundin lamang ang sa minimum public health standards.
“Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19,” paalala pa ng DOH. “Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.”