Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng lalo pang paglobo sa 21,819 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Ito rin ang highest cases sa nakalipas na tatlong buwan.
Sinasabing ito na ang ika-anim sa pinakamaraming single day tally ng DOH mula ng magsimula ang pandemya.
Dumami rin naman ang mga aktibong kaso o bilang ng mga pasyente na nasa 77,369.
Samantala mayroon namang naitalang 973 na mga gumaling.
Ang mga nakarekober sa bansa ay nasa 2,781,424.
Umaabot naman sa 129 ang mga bagong pumanaw.
Ang death toll sa Pilipinas dahil sa COVID-19 ay 51,871 na.
May 10 laboratoryo ang bigong makapagsumite ng datos sa DOH.
“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 5, 2022 habang mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 0.8% sa lahat ng samples na naitest at 1.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi pa rin ng DOH advisory. “Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.”