Naitala sa bansang Mexico ang pinaka-mataas na violence record sa unang quarter ng taon kung saan umabot na sa 8,493 ang naitalang murder cases simula noong Enero hanggang Marso ngayong taon.
Taliwas ito sa una ng pahayag ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador kung saan sinabi niyang bumaba ang bilang ng murder cases sa bansa simula noong maupo siya sa kanyang pwesto.
Tumaas ito ng 9.6% kumpara noong nakaraang taon ayon sa Executive Secretariat of the Public Security National System.
Dinepensahan naman ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador ang pagbuo nito ng National Guard na isa umano sa kanyang diskarte upang pababain ang bilang ng karahasan sa bansa.
Ito ay kasunod ng pagdedeklara ng kanilang gobyerno sa tuluyang pagsugpo ng mga drug cartels noong 2006.
Umabot naman sa 250,000 murder cases ang nai-record kasama na ang bilang noong nakaraang taon.
Matagal nang ipinangako ni Lopez Obrador na tatapusin na ang mga drug cartels sa bansa ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa umano ito nagagawa.