ILOILO CITY – Mapapanood na ngayong araw hindi lamang ng mga taga-Iloilo kundi sa buong mundo ang Digital Dinagyang 2022 sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Bukod sa performance ng mga digital warriors, matutunghayaran rin sa 360-view Dinagyang ang iba’t-ibang shots sa mga tourist spots sa Iloilo City kabilang na dito ang mga simbahan, plaza, esplanade at marami pang iba.
Kabilang sa mga tribu ay ang
- Tribu Pagsinadya ng Villa Arevalo
- Tribu Amliganay ng Molo, Iloilo City
- Tribu Paghigugma ng Iloilo City Proper
- Tribu Pagpahanggud n Mandurriao
- Tribu Pagtililipon ng Jaro
- Tribu Paghinirupay ng La Paz
- Tribu Pagintindihanay ng Lapuz
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay iloilo City Mayor Jerry Trenas, sinabi nito na ang Digital Dinagyang 2022 ay bunga ng tapang at talino ng mga artists, directors, choreographers, at working committees sa likod ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated (IFFI).
Para sa mga tribu, mayroong special awards na matatanggap kagaya ng People’s Choice Award, Best in Choreography, Best in Performance, Best in Music, kag Best in Production Design.
Ang lahat ng perfomances ng mga tribu at ang istorya sa likod ng bawat presentasyon ay mapapakinggan at mapapanood live sa Bombo Radyo Iloilo, sa Facebook Live, at sa www.bomboradyo.com, ang official website sang Bombo Radyo Philippines.