BAGUIO CITY – Tinatayang higit P23.3 milyon na ngayon ang halaga ng pinsalang iniwan ng mga forest firessa Cordillera Region mula January 1 hanggang April 4, 2019.
Batay sa tala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Cordillera, kabuuang 124 na forest fires ang naitala sa rehiyon.
Mahgit 1,570 ektarya ng natural forest ang natupok ng apoy, habang apektado rin ang higit 1,340 ektarya ng plantation forest at 107 ektarya ng grassland.
Dahil dito, muling iginiit ni DENR-Cordillera Regional Director Ralph Pablo ang kahalagahan ng mga mamamayan sa komunidad sa kampanya laban sa forest fires lalo na ang mga naninirahan sa mga upland o mga kabundukan.
Mahalaga aniya ang massive campaign laban sa forest fires dahil sa lubhang epekto nito lalo na sa kalikasan.
Isinagawa ng kagawaran ang isang meeting-cum-action planning ng Task Group El Niño para mabawasan ang mga insidente sunog sa mga bundok at sa epekto ng El Niño sa Cordilleras.