CENTRAL MINDANAO-Personal na tinungo ng PNP- Highway Patrol Group si Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr upang humingi ng tulong sa kanilang isasagawang aktibidad.
Ang aktibidad ay ang laban kontra carnapping/motornapping na pinapalakas ng HPG-12.
Anila, malaki ang maitutulong ng Business Permitting and Licensing Section ng LGU-Kabacan upang maisakatuparan ang aktibidad.
Kaugnay nito, siniguro ni Mayor Guzman ang kanyang suporta sa HPG at sinigurong kanilang ipagkakaloob ang kanilang tulong sa grupo.
Plano ng HPG na bisitahin ang mga establisimentong nagbebenta ng mga secondhand na motor upang masigurong hindi galing sa motornapping ang mga ito.
Napaulat kasi na marami ang nagbebenta ng motorsiklo at ibang uri ng sasakyan sa North Cotabato at Maguindanao na walang kaukulang papeles.
Matatandaan na pinatay ang magkapatid na Frontliners mula sa Brgy Taviran Datu Odin Sinsuat Maguindanao na bibili lamang sana ng second hand na motorsiklo sa Pikit Cotabato.
Sa ngayon ay nakipag-ugnayan na ang HPG-12 sa ibang law enforcement unit sa pinaigting nilang operasyon kontra carnapping at pagbebenta ng mga nakaw na sasakyan.(Bombo Garry Fuerzas)
Nang dahil sa pag-ibig 6 NPA nagbalik-loob sa pamahalaan sa Antipas Cotabato
CENTRAL MINDANAO-Tatlumput dalawang (32) magsing-irog ang pinag-isang-dibdib kanina kasabay sa idinaos na Local Serbisyo Caravan sa Barangay Camutan Antipas North Cotabato.
Anim (6) sa kanila ay mga “surrenderees”na mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) na nagpasyang bumalik sa pamahalaan para mamuhay ng normal kapiling ang mga mahal sa buhay.
Ang Kasalan ay isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Antipas sa pangunguna ni Mayor Igidio Cadungon at Vice Mayor Cris Cadungon.
Ang Barangay Camutan ay may kabuo-ang 139 na surrenderees bunsod ng patuloy na programa ng Pamahalaan na sagipin sila mula sa mapaglinlang na makakaliwag grupo.
Laking pasasalamat ni Chairman Romy Amoloy kay Governor Nancy Catamco at sa ibat-ibang departamento ng Gobyerno sa pagdadala ng serbisyo sa kanyang Barangay sa pamamagitan ng programang ELCAC.
Naniniwala si Chairman Amoloy na hindi na malilinlang ng makakaliwang grupo ang mga tao dahil sa magandang serbisyo na ipinakita ng ating pamahalaan.