-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit ₱19.5-million na halaga ng humanitarian assistance ang naihatid ng Department of Social Welfare and Development sa mga LGU na naapektuhan ng bagyong Nika at bagyong Ofel.

Ayon sa ahensya, binubuo ito ng mga Family Food Packs na ipapamahagi sa mahigit 9,000 pamilya na nananatili ngayon sa mga itinalagang evacuation centers.

Nagbigay rin ang DSWD ng tulong pinansyal sa mga apektadong pamilya sa ilalim ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Batay sa datos ng ahensya, as of Nov. 14 (kahapon) , sumampa na sa higit 109,415 pamilya o katumbas ng 421,000 na indibidwal ang naitalang apektado ng kalamidad sa bansa.

Una rito ay nagpasalamat si DSWD Secretary Gatchalian sa DBM dahil sa pag-release nito ng karagdagang pondo para sa replenishment ng kanilang Quick Response Funds.

Pinamamadali rin nito sa lahat ng regional offices ang paghahatid ng FFPs sa mga lalawigan na maaapektuhan ng papalapit na bagyong Pepito.