-- Advertisements --

Matagumpay na nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy ang abbot sa higit ₱2.5-milyong pisong halaga ng smuggled na sigarilyo sa karagatan ng Maitum, Sarangani Province.

Batas sa inisyal na imbestigasyon, naharang ng Philippine Navy ang isang kahina-hinalang sasakyang pandagat habang nagsasagawa sila ng territorial defense operations malapit sa border ng Pilipinas at Indonesia.

Matapos nga ang pagsasagawa ng inspeksyon, tumambad sa kanila ang aabot sa 114 na master case ng sigarilyo na karga nito.

Ayon sa tropa, walang naipakitang kaukulang dokumento ang mga tripulante nito.

Napag-alaman rin ng mga otoridad na ang mga nasabing kontrabando ay mula sa Jolo, Sulu at nakatakda sa nang dalhin sa Maitum, lalawigan ng Sarangani.

Nai-turnover na rin ang mga kontrabando kasama ang mga tripulante ng sasakyang pandagat sa sa kaukulang awtoridad para sa pagsasampa ng kaso.