-- Advertisements --
Naihatid na ng Department of Social Welfare and Development ang aabot sa ₱19-million na halaga ng ayuda sa mga lokal na pamahalaang panlalawigan na naapektuhan ng magkasunod na bagyong Ferdie at Gener at ang pag-iral ng hanging habagat.
Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na ang kanilang ayuda ay binubuo ng mga family food packs para sa pamilyang apektado.
Kabilang sa mga lugar na pinaglaanan nito ay Cagayan Valley, MIMAROPA, Bicol Region at iba pang lugar na tinamaan ng mga nabanggit na weather system.
Batay sa datos, pumalo na sa 149,175 pamilya o katumbas ng mahigit 500k na indibidwal ang apektado ng mga ito.
Tiniyak naman ng DSWD na sapat ang kanilang pondo para sa mabilisang tugon sa oras ng sakuna at kalamidad.