-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Bureau of Treasury ang mahigit ₱300-B na nalikom nito mula sa bagong 10-year Treasury bonds sanhi ng mataas na demand nito.

Ayon sa ahensya , ang naturang bonds ay mag-mamature sa taong 2035.

Ito ay nakalista rin sa Philippine Dealing & Exchange Corporation fixed income board batay sa ahensya.

Paliwanag ng ahensya na ang naging resulta ng kanilang auction ay naging maganda sa kabila ng mga naitatalang global uncertainties.

Ang offering aniya ay naging matagumpay dahil na rin sa malakas na domestic fixed-income market.

Sa ngayon kasi aniya ay buo pa rin ang kumpiyansa ng mga investors sa government securities na maituturing na isang mabisang option para sa pamumuhunan.