-- Advertisements --

Sumampa na sa mahigit P32-M na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ang naitala ng Department of Agriculture matapos na pumutok ang bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Sa datos na inilabas ng DA-DRRM Operations Center, kabilang sa pinaka apektadong sakahan ay ang Western Visayas.

Ang naturang halaga ay katumbas ng nasa 300 ektarya ng mga lupang sakahan ang nasira at nasa mahigit 832 metriko tonelada ang nawala sa production ng mga ito.

Apektado rin ng pag-aalburuto ng bulkang Kanlaon ang nasa 780 na mga magsasaka mula sa naturang lugar.

Patuloy naman ang isinasagawang assessment at validation ng Department of Agriculture sa kabuuang pinasala sa agricultural at fisheries sector dahil sa nagpapatuloy na aktibidad ng bulkan.