Sumampa na sa mahigit ₱44.69-billion ang halaga ng mga iligal na droga ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency sa kabuuan ng kanilang isinagawang operasyon.
Ayon sa ahensya, ang halagang ito ay nagmula sa mahigit 71,000 anti-drug operation na kanilang isinagawa mula Hulyo 1 2022 hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon.
Batay sa datos, nangunguna pa rin ng Shabu sa pinaka maraming bilang na nasabat na umaabot sa 5,813 kilo, sinundan ito ng cocaine na 74.60 kilo.
Aabot naman sa higit 96,000 piraso ng Ecstasy ang nasakute ng PDEA habang 3,907 kilo ng Marijuana ang nasamsam ng mga ito.
Katumbas rin ito ng 97,445 na mga naarestong drug personalities dahil sa walang humpay na operasyon.
Inulat naman ng PDEA na pumalo na sa 28,825 ang deklarading drug-cleared na barangay sa Pilipinas.