Muli nanamang nag paabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga indibidwal at pamilya ng labis na naapektuhan ng mga malalakas na pag-ulan at mga kaso ng pagbaha na dulot ng umiral na shear line noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Ang naturang pondo ay nagmula naman sa Emergency Cash Transfer ng ahensya.
Aabot naman sa 16,235 na mga benepisyaryo mula sa Catarman, Northern Samar. ang nakatanggap ng naturang tulong .
Nakapagbigay rin ang ahensya ng ECT Payout sa sa mga bayan ng Lavezares, San Jose, Gamay, Lapinig, Mapanas, Palapag, Allen, Bobon, Lope de Vega, Rosario, Catubig, Laoang, Pambujan, San Vicente, Mondragon, San Roque, Las Navas, Silvino Lobos, Capul, at San Isidro.
Batay sa datos, naglaan ang DSWD Field Office VIII ng ₱300-milyong ayuda para naman sa 110,968 na mga benepisyaryo.
Ito ay nagmula naman sa Probinsya ng Northern Samar.
Ang Emergency Cash Transfer ay isang tulong pinansyal na ibinibigay ng ahensya sa mga naapektuhan ng mga kalamidad sa bansa.