-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 04 14 56 19
Interior and Local Government Secretary Eduardo Año

Nasa mahigit 1,000 mga permits at clearances para sa pagtatayo ng cell towers ng mga telecommunications companies ang inaprubahan na ng local government units.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Ano, nasa 1,171 telecommunication permits ang inaprubahan na para mas mapaganda pa ang telecommunications services lalo na at nasa pandemya pa rin ang bansa at karamihan sa mga mag-aaral ay nasa online classes.

Sinabi ng kalihim na tumalima ang mga LGUs sa utos ng Pangulo na bilisan ang pagproseso sa mga permits.

Sa ngayon nasa 428 pending applications ang natira at pinoproseso na.

Tatagal lamang ng 16 araw ang pagproseso sa mga permits.

Inihayag ng kalihim nasa digital world na ang lahat kaya kailangan na talaga ang construction sa mga cell towers dahil puro online na ang mga classes ngayon.

Pinuri naman ng kalihim si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa one time na pag-apruba sa mga clearances at application ng mga telcos.

Umaasa naman si Ano na gagayahin din ng iba pang mga LGUs ang ginawa ni Mayor Moreno.

Dagdag pa ng kalihim na wala na rin dahilan ang mga telecommunication companies na idelay ang pag-improve ng kanilang mga capacities.

Inihayag din ni Ano na sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) may probisyon doon na ang mga telcos ay agad makapagpatayo ng kanilang mga cell towers, pero hindi sakop dito ang mga buidling permits at night clearance permits.