-- Advertisements --
Pumalo sa humigit kumulang 1.49 million ang mga turistang bumisita sa Pilipinas sa unang dalawang buwan ng 2019, ayon sa Department of Tourism.
Sinabi ni Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr. na batay sa kanilang datos, 1,490,255 ang foreign visitor arrivals na naitala noong Enero hanggang Pebrero ng taong kasalukuyan.
Nangangahulugan lamang daw ito ng halos anim na porsiyentong growth kumpara sa kaparehas a period noong nakaraang taon.
Noong Enero at Pebrero 2018, nakapagtala ang DOT ng 1,406,337 foreign visitors.
Ayon kay Bengzon, nananatili ang Korea bila top visitor market ng Pilipinas, habang pumapangalawa at pangatlo ang China at United States.