-- Advertisements --

Mula sa 5,676 kahapon, tumaas ngayong araw ng Sabado sa 6,040 ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 1.5 million (1,502,359) ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.

Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 7,213 na bagong recoveries kung saan nasa 1.4 million (1,428,504) na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.

Nasa 26,598 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Sabado ng 122.