Pumalo na sa 1,662,222 na pamilya o katumbas ng 6,220,366 indibidwal ang naitalang naapektuhan ng nagdaang bagyong Carina, Butchoy at Habagat sa bansa.
Ito ang kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga kawani ng media.
Ayon sa ahensya, higit kalahati ng naturang apektadong populasyon o 983,898 na pamilya o 3,358,155 katumbas ng 3,358,155 ang naapektuhan ng sama ng panahon.
Mula ito sa 1,522 barangay mula sa kabuuang 3,102 barangay ng rehiyon.
Sa kabuuang apektadong populasyon, 414,210 pamilya (1,724,568 indibidwal) ang nawalan ng tirahan ngunit ang bilang ay umabot na sa 249,649 pamilya (1,077,248 indibidwal) simula kahapon.
May kabuuang 143 na lungsod at munisipalidad ang isinailalim sa state of calamity, kabilang ang lahat ng 16 na lungsod at isang munisipalidad sa NCR.
Tiniyak ng NDRRMC na handa sila sa anumang kalamidad na tatama sa bansa.
Sa kasalukuyan, aabot na sa tatlong bagyo ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayon taon.