-- Advertisements --

Mahigit 1.8 milyong katao na ang apektado ng pagtama ng bagyong Odette.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal sa kabuuang bilang nasa 438,359 sa kanila ang nasa labas ng evacuation centers o nasa bahay ng kanilang mga kamag-anak o kaibigan.

Base raw sa data ng Department of Social Welface and Development (DSWD), sa ngayon mahigit 1,805,000 katao ang bilang ng mga taong apektado.

Labis namang naapektuhan sa pananalasa ng bagyo ang northeastern Mindanao, Western Visayas, Central Visayas at Palawan.

Kabuuang 20,102 na kabahayan ang totally damaged at 34,681 ang partially damaged dahil sa impact ng bagyong Odette.

Sa ngayon, aabot na sa P14.5 million na halaga ng tulong ang naipadala sa mga apektadong kababayan.

Nangako naman si Timbal na sisilipin ng NDRRMC ang mga lumabas na report na mayroon umanong insidente ng looting o nakawan sa mga typhoon-hit areas.

Ang power supply at telecommunication sectors naman ay nangako na ring pabibilisin ang pagsasaayos sa linya ng komunikasyon.